Dear Love talk,
Good day!
Itago nyo nalang po ako sa pangalang “BRIANNA”,
27 years old. Isa po akong OFW dito sa Hong Kong.
Lakas loob po akong sumulat sa inyo para
maibahagi ang aking kwentong pag-ibig.
High school
lang po ang natapos ko dahil sa hirap ng buhay hindi ko na naipagpatuloy ang
aking pag aaral. Umalis po ako sa edad na 21 na tanging baon ay kunting lakas
ng loob.
Tiniis ko
lahat ng pagod, hirap,at homesick para sa mga pangarap ko at maiahon sa hirap
ang pamilya ko. Sa awa ng Diyos okay naman po kahit paano nakatagal ako sa
iisang amo sa loob ng anim na taon. Akala ko po ayos na ang lahat kuntento na
ako sa buhay ko,pero hindi ko akalain na guguho ang mundo ko.
Taong 2011
Oct last year umuwi po ako para mag bakasyon, nag kita po kami ng kaibigan ko
na malayo ko na rin pong kamag anak.(2nd cousin po ang lolo namin). Nag stay po
ako diyan sa Boracay ng mga ilang araw kasama ko po siya kasi diyan siya
nagtatrabaho dati.
Sa maikling
panahon ng pagkakaibigan namin komportable na kami sa isat-isa na parang matagal
nang magkakilala.
Unang gabe ko
na kasama ko siya diyan sa Boracay nag open siya sakin tungkol sa nakaraan nya.
Single dad siya at may dalawang anak,pero nong time na yon may girl friend siya
pero nag kakalabuan daw sila etc. Pero sa hindi maipaliwanag na sitwasyon may
namagitan po samin.
Hindi po ako
nag demand ng kahit na ano kahit tinanong niya ako kasi alam ko kasalanan ko
kung bakit ako bumigay. Nangako po siya na aayusin. Deep inside po umasa ako
kahit hindi ako umiimik. Nasundan po ulit ang pag kikita namin at naging kami
bago ako bumalik ng Hong Kong. Text, tawag at chat ang tanging kumonikasyon.
Siguro napag
isip-isip niya na malaking kamalian and relasyon namin kaya nakipaghiwalay siya
sakin kasi hindi niya nagawang makipaghiwalay sa girl friend niya. Masakit man,
tinanggap ko pa rin.
Nawalan na
kami ng contact simula noon pero after siguro ng mga ilang buwan nakipag
communicate siya ulit sakin. Nag resign siya sa trabaho at lumuwas ng Manila
kasi gusto niya rin mangibang bansa.
Nakipagbalikan
siya sakin kasi iba daw akong magmahal. Kahit malayo ramdam niya kung paano ko
siya minahal, pinahalagahan,at hindi hinusgahan.
Tinaggap ko
ulit siya. Sa mga araw na lumipas lalo siyang napamahal sakin. Ako kasi yung
taong hindi tumitingin sa nakaraan na. Ang mahalaga ang ngayon at mga susunod
pa.
Okay na
lahat, masaya kami, umaasa ako na magkakasama kaming muli. Suportado ko siya sa
mga desisyon niya at laging nasa likod pag kailangan niya; karamay sa mga
problema at pag subok.
Pero nag
tataka ako bakit patago ang relasyon namin. Madalas sa minsan inuungkat ko,
ayaw ko man isipin pero nag dududa ako na may hindi ako alam at may itinatago
siya.
Nagkaroon
siya ng malaking problema sa papers niya kaya isinantabi ko muna ang pagdududa at
hindi na ako nakisabay pa sa mga problema niya. Huli ko nang nalaman na
nabuntis niya pala ang girlfriend niya at hindi naman sila naghiwalay.
Mula noon ay
lagi na kaming away-bati at hinahamon ko siya nang hiwalayan pero di niya
pinapatulan. Hanggang sa malapit na siyang umalis papunta sa ibang bansa nagdesisyon
ako na papuntahin siya dito para makapag usap kami ng harapan at magkalinawan.
Nag-ipon ako
ng lakas ng loob at sinubukan kong kausapin siya pero walang nangyari tahimik
lang siya at nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata na pilit niyang
tinatago.
Ang plano ko ay
makipagkalas na ako sa kanya pero hindi ko nagawa. Hindi ko kaya kasi mahal na
mahal ko siya. Ganun pala yon, ang pakiramdam na pag kasama mo ang taong mahal
mo parang wala nang bukas. Wala na kayong paki alam sa nangyayari sa paligid ninyo.
Umuwe siya ng
Pilipinas na parang panaginip lang lahat, kahit ako di ko rin mapaniwalaang
nagkasama ulit kami kahit sa maikli lang na panahon.
One month na
rin siyang nakaalis ngayon at isa pang nakakayanig na kumpirmasyon ang
natanggap ko ay nagpakasal na pala sila sa huwes nong time na nabuntis niya ang
girl friend niya.
Tanging sorry
lang ang nagawa at nasabi niya...sobrang sakit....wala akong magawa kasi legal
na silang mag asawa. Ang hindi ko po maintindihan kung bakit pa siya nakipag
balikan at bakit kailangan niya pa akong gamitin at paniwalain. Lahat pala yun
ay puro kabaliktaran lang.
Minahal ko
siya higit pa sa sarili ko. Giinawa ko lahat para maging mabuting girlfriend
din ako sa kanya. Pero sakit lang lahat ang naging kapalit.
Ayaw ko pong
pagsisihan lahat ng mga nangyari samin kasi ginusto ko lahat yon. Yun lang ang
tanging natira sa akin "mga alaala ng mga masasayang sandali na kasama ko
siya".
Nakukonsensya
po ako sa mga maling nagawa at desisyon ko. Ni minsan po, hindi ko pinangarap
na maging pangalawa, at wala akong intensyong manira ng pamilya. Hindi po
mawala sa isip ko na masamang babae ako.
Sa kabila po
ng lahat ng mga ginawa niya hindi ko magawang magalit ng lubos sa kanya. Aminin
ko man sa hindi naramdaman ko rin na minahal niya ako.
Sana kung
saan man siya ngayon magiging masaya na siya dahil alam ko sa puso ko na
mabuting tao siya.
Maraming
salamat po sa pagkakataong ito. More powers and God bless!
Lubos na
gumagalang,
BRIANNA
what a story. sana brianna makita mu ung taong totoong magmamahal sau.ung ikaw lang ung walang kahati..isipin mo nalang isang magabdang panaginip un.panaginip na hanggang don lang.kac sabi mu nga kasal cla..so sana magiging masaya ka.di man ngaun pro sana dumating ang araw na maging masaya ka...god bless
ReplyDelete