Saturday, March 23, 2013

Pagkakasala sa pagkakalayo

Dear YES Love Talk,


Magandang gabi sa lahat ng nakikinig sa programang ito. Sumulat ako upang humingi ng payo sa problema ko.

Tawagin n’yo na lang ako sa pangalang “CARL”. Taga-Kalibo ako, 32 years old, may asawa at dalawang anak. Anim na taon na kaming nagsasama pero hindi pa kami kasal. Pero kahit ganoon, masaya ang pamilya namin at wala akong masasabi sa asawa ko dahil mapag-mahal siya at maalaga.

Nakapag-tapos ang asawa ko sa kolehiyo at noong Setyembre ng nakaraang taon ay nagpaalam siya na kukuha ng exam sa Maynila. Inabot siya ng dalawang buwan doon dahil nag-review pa siya.

Sa dalawang buwan na iyon na wala siya sa amin ay palaging pumapasyal at dumadalaw sa bahay namin ang kaibigan ng asawa ko na itago na lang natin sa pangalang “JOY-JOY” na kapit-bahay lang namin. 23 years old si Joy-joy at dalaga pa. Dahil palagi siya sa amin ay parang nasanay na ako na nandoon siya palagi.

Isang beses nagkayayaan kami na mag-inuman kasama ang ibang kaibigan. Inabot kami ng alas-onse ng gabi, at dahil sa kalasingan ay nakatulog na ang iba naming kainuman. Kami na lang ni Joy-joy ang naiwan.  Sa hindi sinasadyang pagkakataon, may nangyari sa amin nang gabing iyon dahil napagkamalan ko siyang asawa ko. At dahil sa hindi naman siya pumalag ay nangyari nga ang hindi dapat mangyari.

Love Talk, nagbunga ang pagkakamaling iyon at ngayon ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ipagtatapat ko ba sa asawa ko ang lahat? Si Joy-joy ay pumunta na ng Maynila at umaasa siyang susundan ko siya doon.

Sana ay mabigyan n’yo ako ng payo dahil gulung-gulo na ang isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hanggang dito na lang ang sulat ko. Sana ay maintindihan n’yo ako. Maraming salamat sa oras ninyo.


Lubos na gumagalang,

“CARL”

Saturday, March 16, 2013

Mapait na nakalipas


Dear YES Love Talk,


Isang magandang gabi sa inyong lahat lalo na sa nagbabasa ng sulat ko at sa mga nakikinig ng programang ito. Palagi akong nakikinig dito kapag may pagkakataon, at naniniwala akong matutulungan n’yo ako sa mga bagay na gumugulo sa isipan ko ngayon.

Tawagin n’yo na lang ako sa pangalang “LILY”, 25 years old, at nagtatrabaho dito sa Boracay. Certified single ako sa ngayon dahil mas pinili kong maging single.

Hindi naman sa walang nanliligaw sa akin. Sa totoo lang at hindi naman sa pagmamayabang, hindi naman ako nawawalan pa ng manliligaw. Nagkataon lang kasi na may mapait akong pinagdaanan sa pag-ibig kaya wala akong tinatanggap pa sa kanila.

Mag-iisang taon na ang nakakalipas nang mag-hiwalay kami ng long time partner ko. Kasal na lang ang kulang sa amin. Marami na rin kaming mga pinagdaanang problema, kasama na din doon ang pag-tanggap sa amin ng aming mga pamilya. Pero nalagpasan namin lahat ng ‘yon.

Pero dahil lang sa pagiging marupok niya sa tukso ay nasayang lang ang anim na taon naming relasyon. Hindi kasi siya nawawalan ng ibang babae, at ako naman ay nagbulag-bulagan kasabay ng pag-asa na sa ginagawa kong ‘yon ay maiisip niya na mali ang ginagawa niya at makukonsensiya siya at titigilan na niya ito.

Pero hindi ito nangyari. Lalo lang lumala ang sitwasyon, sabayan pa ng mga pagtatakip at pagsisinungaling niya. Kaya’t nag-pasya na lang kami na maghiwalay.

Mag-iisang taon na ang nakakalipas pero nag-iwan ito ng marka sa puso ko. Pakiramdam ko ngayon, lahat ng mga lalake ay gano’n: mga manloloko at oportunista na hindi na nakuntento sa isa.

Dahil doon ay mas pinipili ko na ngayong ilayo ang loob ko sa mga nagpapakita at nagpaparamdam ng pag-tingin nila sa akin.

Love Talk, may nanliligaw sa akin ngayon na talagang nagpapatibok ng puso ko. Mabait naman siya at caring. Pero dahil nga sa past experience ko, kahit anong kumbinse ko sa sarili ko ay natatakot ako na tanggapin siya.

Ayoko kasi na mapunta lang din sa wala ang relasyon namin. Ayoko nang mapagdaanan ang mga sakit na naranasan ko dati. Ayoko din na masayang ang mga effort ko sa taong pina-iikot lang pala ako sa mga palad niya.

Gusto ko siya Love Talk, pero ayokong masaktang muli. Anong dapat kong gawin?

Maraming salamat sa pag-basa ng sulat ko, at sana ay mabigyan n’yo ako ng payo. Pagpalain nawa kayo ng Diyos.


Nagmamahal,

“LILY”


Saturday, March 9, 2013

Duda sa sarili

Dear Love Talk,


Sana mabasa nyo po ang sulat kung ito. Humihingi lamang po ako ng advice sa inyo. Hindi ko na lang sasabihin ang aking pangalan sa inyo pero tawagin nyo na lang ako bilang “JB”.

Three years na po kami ng aking girlfriend, pero nag aalangan ako sa aming relasyon Love Talk, ito ay dahil sa aking pagiging “silahis”. Dahil sa ganoong bagay, nahihiya ako kapag nakikita kami ng mga tao na alam nila kung paano ako kumilos at mag-salita, pero unti-unti ko naman ito binabago sa tulong nya.

Alam rin ng aking magulang na may girlfriend na ako at alam ng mama nya na kami na. Dati kaming magkaibigan at ngayo’y magkarelasyon na kami. Ang sabi nya sa akin, mahal nya naman ako at tanggap at gusto nya na magka-pamilya kami balang araw pero long distance ang aming relasyon.

Noong nagtapos kami ng high school, minsan lang siya mag-text at tumawag. Kahit “good morning” ako pa mauuna at mag tatanong kung OK lang sya. Pero kahit ganoon, pinagpasyensyahan ko sya. Parang hindi ko kasi maramdaman ang tunay na pagmamahal. Parang kulang ang aming pinagsamahan.

Dati kasi tinutukso ako ng aking mga lalaking kaklase na bading daw ako, pero ngayon pinapatunayan ko lang na marunong din akong mag mahal ng babae. Alam ko’ng mahirap pero kinakaya ko lang Love Talk.

Minsan nga, nasagot ko pa sila na "Mas bakla pa nga kayo dahil hindi kayo marunong mag mahal at iba ang gusto n’yong mangyari sa isang relasyon at takot sa responsibilid. Bakit ba? Marunong din man ako, ah!" at tumimik na lamang sila.

Ewan ko ba kung pagpapatuloy ko po ba itong relasyon na ito? Pero naghihinayang ako at ewan ko kung ano ang mararamdaman nya kung sabihin kong makikipag-hiwalay ako sa kanya ng walang dahilan.

Hanggang dito na lang ang aking sulat at maraming salamat.


Ang iyong tagapag pakinig,

“JB”

Saturday, March 2, 2013

To save, or not to save a marriage

Dear YES Love Talk,


Good evening to all the listeners of this program. Itago n'yo na lamang po ako da pangalang "CHLOE"

My story starts with this thought: “I used to believe that true love never dies.” I’ve experienced being love so deeply and intensely. I firmly believed that was going to last forever.”

Kasal na ako for almost 10 years sa lalaking pinakamamahal ko… the man of my dreams. Mabait siya, matalino, God fearing at guwapo. He showered me with so much love and affection at alam kong ‘pag siya ang kasama ko, I feel so secure and confident na wala na talagang makakapag-hiway pa sa amin. I feel so blessed na masasabi kong meron kaming perfect relationship. Minsan nga kahit sa pagtulog namin ay magkahawak pa ang mga kamay namin. We prayed and laughed together and we considered each other as best friends. Madalas nga lagi niyang sinasabi na magkasama kami hanggang sa pagtanda. Hindi nya nakakalimutan bawat monthsaries and anniversaries namin na palaging with fresh flowers, chocolates, cards and gifts specially during special occasions.

Our text messages almost always ended with “I love you”s.

Sa mga taon ng aming pagsasama, ni wala kaming naging problema, hindi nya ako sinisigawan, sinasaktan, at wala man lang kaming pinag-aawayan. Kumbaga, PERFECT na nga talaga .We both have stable jobs. I couldn’t ask for more, except for one thing: hindi ko siya mabibigyan ng anak. Lahat na po ginawa na namin.. my doctors told me i sufferred from “endometriosis”, one of the most common causes of infertility. Pero, sabi niya kahit na anong mangyari, mamahalin at mamahalin pa rin niya ako ‘til the end. Napagkasunduan namin na mag-aampon na lang kami legally.

Conversely, because it was only the two of us, I must admit I had the tendency to be overprotective of him, particularly his health. My world revolved around him. Being the self-confessed idealist that I am, I thought I was just being myself, determined and straightforward. Little did I know I was already pushing him away. And he was falling out of love.

It was in our ninth year, nang inamin niya sa akin that he was having an affair with another woman for almost one year na at magiging father in three months time. Di ba ang sakit? Natago nila ang kanilang relasyon ng one year sa akin. At ang pinakamasakit pa, he was already in love with the mother of his child and he wanted me to set him free. Nakita ko ang sarili ko na nagmamakaawa sa kanya to give another chance for our marriage, at humihingi pa ako ng sorry para sa lahat ng pagkukulang ko. Then one day, nagpaalam siya to go to his office… pero di na siya bumalik pa. Hindi ko alam kong ‘yun na ba ang huli naming pagkikita. I’ve waited for him every night and day and even until now, umaasa pa rin akong balikan niya ako.

 Akala natin hawak na natin ‘yung taong mahal natin lalo na kapag kasal na. Nagbabago din pala ang mga bagay. Hindi mo masisiguro o maangkin ang isang bagay kung siya mismo ay ayaw.

Mahalaga ba ang anak sa isang relasyon? What happened to our “perfect” relationship? Kailangan ko bang palayain siya at i-set aside ang marriage namin at huwag na ito i-save?

Sana ay may natutunan kayo sa kuwento ko. Hihintayin ko ang mga comments at suggestions n’yo.


Umaasa,

“CHLOE”