Dear Love Talk,
Sana mabasa nyo po ang sulat kung ito. Humihingi lamang po
ako ng advice sa inyo. Hindi ko na lang sasabihin ang aking pangalan sa inyo
pero tawagin nyo na lang ako bilang “JB”.
Three years na po kami ng aking girlfriend, pero nag
aalangan ako sa aming relasyon Love Talk, ito ay dahil sa aking pagiging
“silahis”. Dahil sa ganoong bagay, nahihiya ako kapag nakikita kami ng mga tao
na alam nila kung paano ako kumilos at mag-salita, pero unti-unti ko naman ito
binabago sa tulong nya.
Alam rin ng aking magulang na may girlfriend na ako at alam
ng mama nya na kami na. Dati kaming magkaibigan at ngayo’y magkarelasyon na
kami. Ang sabi nya sa akin, mahal nya naman ako at tanggap at gusto nya na
magka-pamilya kami balang araw pero long distance ang aming relasyon.
Noong nagtapos kami ng high school, minsan lang siya
mag-text at tumawag. Kahit “good morning” ako pa mauuna at mag tatanong kung OK
lang sya. Pero kahit ganoon, pinagpasyensyahan ko sya. Parang hindi ko kasi
maramdaman ang tunay na pagmamahal. Parang kulang ang aming pinagsamahan.
Dati kasi tinutukso ako ng aking mga lalaking kaklase na
bading daw ako, pero ngayon pinapatunayan ko lang na marunong din akong mag
mahal ng babae. Alam ko’ng mahirap pero kinakaya ko lang Love Talk.
Minsan nga, nasagot ko pa sila na "Mas bakla pa nga
kayo dahil hindi kayo marunong mag mahal at iba ang gusto n’yong mangyari sa
isang relasyon at takot sa responsibilid. Bakit ba? Marunong din man ako,
ah!" at tumimik na lamang sila.
Ewan ko ba kung pagpapatuloy ko po ba itong relasyon na ito?
Pero naghihinayang ako at ewan ko kung ano ang mararamdaman nya kung sabihin kong
makikipag-hiwalay ako sa kanya ng walang dahilan.
Hanggang dito na lang ang aking sulat at maraming salamat.
Ang iyong tagapag pakinig,
“JB”
No comments:
Post a Comment