Saturday, November 24, 2012

Mahal ko ang pinsan ko


November 24, 2012

Dear Love Talk,

Magandang gabi po sa inyo. Tawagin niyo na lang po akong “KAREN.” May asawa na ako at may tatlong anak. Ang asawa ko ay 3 years nang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Nitong huli, parang bula na lang siyang naglaho –di na siya tumatawag at di na rin nagpapadala sa amin. Isang taon na niya kaming pinabayaan ng mga anak ko.

Sa hirap ng buhay namin ay pumunta ako rito sa Boracay para magtrabaho. Ginagawa ko ito habang nag-aaral pa ang mga anak ko.

Tatlong buwan na akong nagtatrabaho rito sa Boracay nang tawagan ako ng pinsan ko upang humingi ng tulong. Itago na lang natin siya sa pangngalang “KARLO.”

Tumawag sa akin si KARLO dahil gusto niyang makapagtrabaho rito sa Boracay. Pumunta siya rito sa Boracay at dahil wala naman siyang mapuntahang iba ay, sa bahay ko na muna siya nakitira.

Lagi kami magkasama ni KARLO at habang tumatagal ay di namin akalain na nahulog na ang loob namin sa isa’t-isa.

Nagsama na kami bilang mag-asawa dahil nga sa napamahal na kami sa isa’t-isa. Limang buwan na kaming nagli-live in at sa panahong iyon ay may nangyayari rin sa amin.

Love Talk, sana po matutulungan nyo po ako sa problema ko dahil di ko na kaya. Alam kong mali ang ginagawa namin at hindi kami puwedeng magsama habangbuhay dahil magpinsan kami ni KARLO.

Pero nangingibabaw pa rin ang pagmamahalan naming dalawa. Sinubukan naming na lumayo pareho sa isa’t-isa. Umuwi ako sa amin ng 15 days at siya naman ay umalis din sa bahay na inuupahan namin. Nakituloy siya sa kaibigan niya na kasama niya sa work. Pareho kaing walang contact sa isa’t-isa. Ino-OFF ko yung cellphone ko at ganoon din siya.

Nakalipas ang 15 days, bumalik ako sa Boracay dahil akala ko tapos na ang lahat sa amin. Nalaman ito ni KARLO at agad siyang pumunta sa bahay para sabihin na mag-usap kami.
Pumayag naman akong makipag-usap dahil mahal ko pa rin naman siya at inaakala kong sa pag-uusap namin ay matatapos na ang lahat.

Subalit mali pala ako. Sinabi ni KARLO sa akin na hindi raw niya kayang magkahiwalay kami at mahal na mahal niya raw ako. Pareho rin ang nararamdaman ko sa kanya. Sa madaling salita, nagkabalikan kami at nangako na magsasama ulit.

Natatakot po ako kung ano po ang mangyayari sa amin kapag nalaman ng mga magulang namin ang relasyon naming. Itinatago namin ito sa kanila.

Ang nanay ni KARLO ay kapatid ng tatay ko. Gulong-gulo na po ako kung ano po ang gagawin naming –kung ipagpapatuloy pa ba namin itong relasyon namin o itigil na.
Sana po matulungan ninyo po ako.

Nagmamahal,

KAREN

1 comment:

  1. oh my, ang saklap naman nyan. Magpinsang buo pa man din kau. Magkadugo. Para sakin dapat ng putulin ang anumang ugnayan nyo sa isat isa. Di lang ung mga magulang nyo ang masasaktan nyo kapag nalaman nla kondi pati mga anak mo, cla ang mas masasaktan at malulugmok sa kahihiyan sa gnagwa nyo. wla namang sekretong di nabubunyag. pag usapan nyo na yan pero kong di nyo talaga kaya u have to face all da consequences. ung kahihiyan. pero sana bago nyo icipn ung mga sarili nyo isipin mo sana ung mga anak mo at ung possibleng mangyari sakaling mgakaalaman na.

    ReplyDelete