Saturday, August 3, 2013

Discreet gay

Dear YES Love Talk,


Magandang gabi sa inyong lahat na sumusubaybay ng programang YES Love Talk. Sana ay nasa mabuting kalagayan kayo sa pagbasa ninyo sa aking sulat.

Itago n’yo na lang ako sa pangalang “ANTHONY”, 26 years old, at nagtatrabaho dito sa Boracay.

Gay po ako.

Mula pa noon ay alam ko nang isa akong babaeng na-trap sa kaanyuan ng isang lalake. Pero sa kilos, pananalita at sa pananamit ko ay masasabi kong hindi ito mahahalata ng basta-basta lang. Dahil na rin siguro sa pamilyang kinalakhan ko.

Nasa elementary pa lang ako nang pumanaw ang aking ina kaya ako at ang tatlo kong mga nakatatandang kapatid ay pinalaki ng solo ng aking ama na hindi na ulit nag-asawa.

Istrikto siya, at alam kong hindi niya ako matatanggap kapag nalaman niyang bading ako. At malamang ganoon din ang dalawang kuya ko.

Kaya nag-nobya ako, para hindi naman nila masabing bakla ako.

2 years na ang relasyon naming dalawa pero hindi pa rin niya nalalamang bading ako.

Dati, nang niligawan ko siya, pinlano kong pang-cover up lang talaga siya sa totoong kasarian ko. Pero nang tumatagal na, ay parang nararamdaman kong masaya ako kapag kasama ko siya. Ilang beses na rin na may nangyari sa aming dalawa, at sa katagalan ay napatunayan kong ginagawa ko ito dahil gusto ko at hindi dahil gusto ko lang pagtakpan sa kanya ang kabadingan ko.

Mahal ko na nga siguro siya at nakikita kong gusto ko siyang makasama habang-buhay.

Pero ang problema, attracted din ako sa mga kalalakihan. Hindi ko rin naman gustong umabot sa punto na malaman ng nobya ko na pareho kaming nagkaka-gusto sa mga lalake.

Love Talk, ‘yon na lang ang nakikita kong problema ko sa ngayon, at gusto kong masolusyunan ito sa tulong ninyo. Paano ko po ba maiaalis sa sarili ko ang pagka-gusto ko sa mga kapwa ko lalake?

Sana po ay matulungan ninyo ako sa problema ko. Maraming salamat sa inyong oras.


Umaasa,

“ANTHONY”


No comments:

Post a Comment