Saturday, August 31, 2013

Sino ang mas pipiliin ko ang ex-gf ko na mahal na mahal ko pa o ang girlfriend ko na mahal na mahal ako?

Dear YES Love talk,


       Una sa lahat ay gusto ko pong magpasalamat sa mga taong bumubuo ng inyong programa at sa mga taong magbibigay ng advice sa akin.

        Love talk tawagin niyo na lang po ako sa pangalang TOTO isang official sa isang secreting ahensya ng gobyerno bilang (Intel Officer) at naka distino dito sa Boracay.

        Love talk minsan po ay naging tagapagbigay din po ako ng payo o advice dito sa programa ninyo at siguro panahon na rin upang ako naman ang humingi ng payo, love talk ang kwento ng pag-ibig ko nong nakilala ko ang isang babaeng nagpatibok ng aking puso na tawagin nalang ninyo sa pangalang “CHERRY”, siya po ay nagtatrabo sa isang hotel dito sa Boracay.

         Naging magkaibigan kami at hindi nagtagal ay naging kami, masaya kaming nagsama at ang turing ko na rin sakanya ay parang asawa,  hindi rin maitatagong may nangyari na rin sa amin kaya nagpasya akong panagutan ang aking ginawa at maging isang responsabling lalake.

         Pinaunawa ko sa kanya ang pagmamahal na hindi matumbasan ng anu man, at pinagmamlaki ko siya sa aking mga kasamahan at sa magulang ko, ngunit Love talk dumating ang panahon na kinakatakutan ko, iniwan niya ako sa gitna ng kahihiyan, ilang beses na akong gumawa ng paraan para ma survive ang relationship namin, naranasa kung bumabad sa ulan habang hinihintay kung lumabas siya sa kaniyang tinitirahan.

         Minsan natanong ko sa aking sarili kung ano ba ang aking nagawa dahil naging tapat naman ako sa kaniya, hanggang sa pinayuhan ako ng aking malapit na kaibigan, na si kuya “MELCHOR” na tanggapin ko nalang daw ang lahat at mag move on na lamang ako.

          Lumipas ang ilang buwan at nasubukan ko na ring kalimutan siya at di nagtagal ay nakilala ko si “LYN”. Si LYN ay isang abogada at masasabing matalino, at magandang babae at di naman nagtagal ay nagustuhan niya din ako at minahal ng sobra.

           Ngunit love talk dumating ang araw na hindi ko inaasahan habang naliligo kami sa isang beach kasama ang kaibigan ko ay nakita kung muli ang babaeng nanakit ng damdamin ko, kasama niya ang mga kabarkada niya at nag-iinuman sila, love talk inisip ko nalang na may girlfriend na ako at mahal ako, at nagkunwari akong di ko siya napansin kahit alam kung tinitingnan niya rin ako ng palihim.

           Umalis kami at umuwi pero may nakalimutan akong bagay kaya binalikan ko, hanggang sa may lumapit sa aking isang tao at nagsumbong na may nagkakaguluhan raw, pinuntahan ko naman at ang lugar na itinuro sa akin at ngunit parang biglang kinurot ang aking damdamin ng makita ko si CHERRY, na nakahandusay sa buhangin at walang malay habang punong-puno ng buhangin ang mukha.

            Dali-dali ko siyang binuhat ngunit nagising siya at sinisi ako, agad ko naman siyang niyakap at hinalikan habang unti-unting pumapatak ang aking luha.

             Love talk naawa ako sa kaniyang kalagayan, mali pala ako dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin pala siya at naguguluhan ako kung ano ang gagawin ko, ayaw ko ring saktan si LYN na labis din akong mahal. Love talk pano ko sisimulan ang lahat dahil pareho ko silang mahal, sana matulungan niyo po ako.
          
Maraming salamat at lubos na gumagalang
                          “TOTO”

No comments:

Post a Comment