Saturday, August 24, 2013

kailangan ko pa bang pagbigyan ng pangalawang pagkakataon ang taong sobra kong minahal?

Dear YES Love Talk,

            Bago po ako mag simula sa aking kwento, nais ko po munang mag pasalamat agad sa inyo sa pag basa ng aking sulat at sa mga mag bibigay ng advice sa akin at pati na rin po sa mga nakikinig. Salamat po. 

            Tawagin niyo na lamang po ako sa pangalang ''TRISHIA'' 23 years old, at nag-tratrabaho po dito sa isla.

            Meron po akong boyfriend, Asawa na nga rin po ang turingan namin sa isa’t isa dahil nag-sasama na rin kami. Mag si-six years na po ang aming relasyon ni ''ARVIN''. 

Masaya po kaming nagsasama, open pa ang aming relasyon sa lahat, lalo na sa pamilya namin. Pero biglang nagbago po yon, nang biglang pumasok sa eksena si ''JESSA'', kasamahan niya po sa trabaho.

            Mag-iisang buwan na ng malaman ko at nahuli ko pa mismo na niloloko po nila ako. Masakit, lalo pa’t hindi naman nagawa ni Arvin ang mga bagay na ganito noon.
    
Speechless ako, dumating ang oras na nag give up ako at dahil nga sa mahal ko siya lumaban po ako ulit . Ginawa ko lahat para ma save ko ang relationship namin.

I admit may mali din ako sa mga nangyari. To save our relationship pinatawad ko po sila, nag-trust at nag beg pa ako kay Arvin even kay Jessa.

Nag usap kaming tatlo at nangako si Jessa naiiwas na siya dahil sa ayaw nya raw pa masira lamang ang relasyon namin dahil sa kanya tama na raw na nag pa “selfish” siya. Dahil umpisa palang, alam niyang my responsibilidad na si Arvin.

            I thought, okay na ang lahat, dahil nararamdaman ko ulit ang pagmamahal ni Arvin. Nag-eeffort na siya, tulad ng dati.

Until one morning, nakita ko sa cellphone niya, yong mga mensahe nila ni Jessa. Wala akong nagawa that time, kundi ang umiyak. Patuloy pa rin pala ang relasyon nila. Pilit po akong niyayakap ni Arvin that time, pero hindi man lang niya sinasagot ang mga tanong ko. Hanggang iniwan niya akong hindi pa namin napag-usapan ang sitwasyon.

            At dahil po sa nasaktan ako sa ginawa niya, I told him to decide, kung sino ba talaga sa amin ni JESSA ang gusto niyang makasama. Ang sagot niya po sa akin, ay asawa na ang turing ko saiyo. “Takot akong iwan mo ako. Takot akong ma wala ka. Mahal kita, pero kasi napamahal na siya sakin“. Doon po ako nasaktan ulit.

Hindi siya makapag-decide, at dahil sa mga sinabi niyang iyon, ay nag-assume ako na ako pa rin ang panalo. Tinanong ko siya ulit, pero laking gulat ko nalang, nang sabihin niyang “mas magandang iwan niya nalang ako”. Dahil daw sa naging apurada ako sa desisyon niya. Dalawa daw kami ni Jessa ang iiwan niya, para patas.

            Masakit po ang marinig mo sa taong minahal mo nang lubos, pinagkakatiwalan at nirerespeto sa lahat ng pagkakamali niya na iiwan kalang, dahil sa hindi ka makapaghintay, 

         Masakit na sa mga panahong magkasama kami, ay lagi niyang sinasabing mahal ka niya at handa siyang bumuo ng pangarap kasama ka pero mawawala lang bigla nang dahil sa taong halos wala pang tatlong buwan niya nakilala, sa taong basta nalang nag-pahubad, at dahil sa nagpakita ng motibo sa kanya.

            Gusto ko pong sisihin si Jessa, dahil sa pagiging desperado niya. Pero may mali din si Arvin. At aaminin ko na may mali din ako, napakabata pa ni Jessa para sirain ang buhay namin alam kong nagmahal lang siya pero nasakta nako sa ginawa niyang pag-balewala sa usapan namin at pangako niya at sa trust and forgiveness na binigay ko.

            Arvin rejected all our plans just because of her, even our marriage plan.

            Love talk, ano po ba ang dapat kong gawin, gusto kong mag-move on, at tanggapin nalang pero hindi ko kaya. Minahal ko kasing lubos si Arvin. Handa akong mag-sacrifice para lang maayos ang lahat pero di ko rin alam ang gagawin ko.

            Nagpaparamdam din kasi siya sa akin, at pinapakita na may care pa siya sa akin. Pero ramdam ko ding patuloy pa rin sila ni Jessa. At ang isa pa po sa nag-papagulo ng isip ko ay sinabi niya kamakailan na bigyan ko siya ng tamang oras para makapag-isip.

            Tama po ba naumasa pa ako sakanya? O ako na mismo ang mag-give up?

           Iniisip lo lang sa ngayon na LUST lang ang nangyayari sa kanila, na darating ang araw ay mag babago din yun.

            Ano at Paano po ang gagawin ko? Nasasaktan na kasi ako at napapagod na rin pero di ko pa kayang mag-give up.

            Sana po mabigyan niyo po ako ng advice.
            

   Lubos na umaasa
                                                               
      ''TRISIA"


No comments:

Post a Comment