Saturday, May 25, 2013

Bawal na pag-ibig

Dear YES Love Talk,


Magandang gabi Ate Gina at DJ Fiona. Thank you sa pag-basa nitong sulat ko. Ako si “ROSE”. May 3 years old na anak ako pero hindi kami OK ng tatay niya. Minahal ko siya, ibinigay ko ang lahat, pero mukhang hindi pa rin ito naging sapat.

Unti-unti, nakalimutan ko siya, dahil may isang “DEREK” akong nakilala. Matiyaga siya, at pinahahalagahan ako, at sobrang na-appreciate ko ‘yon. Mahal niya ako at mahal ko rin siya. Kaya lang, sa pangalawang pagkakataon na nagmahal ako, doon pa ako napunta sa sitwasyong komplikado. May asawa siya, kasal at may dalawang anak. Sabi niya, hindi daw niya kayang mawala ako sa buhay niya at nawala na daw ang pagmamahal niya sa asawa niya. Nagkataon na kaibigan ko pa ang asawa niya at malapit sa akin ang pamilya at anak niya. Sa tuwing nakikita ko ang kabutihan nila, parang hindi ko kayang manira ng pamilya.

Naguguluhan ako dahil nagmamahalan kami kahit alam namin na mali ang ginagawa namin at marami kaming masasaktan at maaapakan, lalo na kapag nalaman ng asawa niya na ako ang dahilan ng magiging pagkasira ng pamilya niya… ako pa na inaakala niyang isang kaibigan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, naguguluhan ako. Nagmamahalan kami kahit na alam naming mali. Mahal ko siya, mahal niya ako, pero kasal siya at pagmamay-ari siya ng iba. Dapat ko ba siyang ipag-laban kahit na alam kong mali? O palalayain ko na lang ba siya kahit na alam kong siya na lang sana ang kulang sa buhay ko?

Sana ay mabigyan ninyo ako ng karagdagang payo para mabawasan naman ang sakit na nararamdaman ko at ang mga iniisip ko. Pagkatapos nito, kapag narinig ko na ang mga opinyon ninyo ay magmo-move on na ako. Sana lang makayanan ko ito.

Maraming salamat, Love Talk, Gina Marina at DJ Fiona. Please play the songs “Kung Malaya Lang Ako” ni at “Gusto Kita” for me DJs.


Nagmamahal,

“ROSE”


No comments:

Post a Comment