Saturday, May 18, 2013

Torn between two choices

Dear YES Love Talk,


Magandang gabi po sa inyo at sa lahat ng nakikinig ng YES Love Talk. Tawagin niyo nlang ako sa pangalang "SHA-SHA". Ako ay taga-Caticlan. 18 yrs old na ako ngayong araw, May 18. Nag-aaral ako sa isang pribadong paaralan sa kalibo. Sa ngayon po my boyfriend ako, pinsan ng bestfriend kong lalaki.

Ako po yong tipo ng babaeng bihira lang makipagkaibigan sa mga babae kasi mas nakakasundo ko pa yong mga lalaki. Alam ni mama lahat ng ito at tanggap ‘yun ng buong family namin. Ok naman lahat sa amin.

Naging problema ko lang ‘yung bestfriend ko na tawagin n’yo na lang sa pangalang “PAUL”. 5 years na kaming mag-bestfriend. 1st year high school kami n’ung magkakilala kami ni Paul. 1st year pa lang kami, usap-usapan na sa school namin na may gusto s’ya sa’kin pero di ko na lang pinapansin ‘yun dahil pinapakita ko na mas mahalaga sa ‘kin yung friendship namin kaysa sa mga ganong bagay.

Hanggang sa umabot ng isang taon kaming magkaibigan, nagkaroon kami ng usapan na walang ligawan at iwanan na mangyayari sa ‘min. Nangako naman s’yang hindi n’ya ako mamahalin na higit pa sa kaibigan at hindi n’ya ako iiwan kahit anong mangyari.

Naging matibay pagkakaibigan namin, marami na kaming pinagsaluhan na lungkot, tagumpay at saya kasama ang mga barkada kong lalaki. Pero habang tumatagal, feeling ko, mas lalong nagkakagusto s’ya sa akin. Gumawa ako ng mga bagay na di n’ya gusto para ma-turn off sya sa’kin tulad ng sumubok akong mag-smoke, magpaka-boyish, and lastly, nakipag-boyfriend ako, pero talagang gumawa s’ya ng paraan para iwasan ko ang mga bagay na ‘yon. Naging OK ulit kami hanggang sa makapagtapos kami ng 4th year.

Nag-aral ako ng college pero s’ya hindi na. Nag-stop sya dahil sa financial problem. Within 1 year ko sa college, nawalan kami ng communication pero nakikibalita pa rin ako sa kanya ng di nya alam.

Sa ngayon meron na ulit kami ng communication ni Paul pero patuloy pa rin s’yang pagpaparamdam na mahal n’ya ako. Nahihirapan na ako sa pagpapakita sa kanya na di ako apektado at wala akong alam sa kanyang nararamdaman sa akin. I can’t deny na napamahal na rin sya sa akin pero may pangako kaming pinanghahawakan na di dapat masira, and most of all, may boyfriend ako, ayoko din kasi na maging unfair ako sa kanya.

At same time ayoko din na nasasaktan bestfriend ko. Lagi n’ya kasing sinasabi na sana hindi na lang s’ya nangako at sana daw sinabi n’ya na lang ‘yung totoong nararamdaman niya noon pa, pero pilit ko pa rin ‘yon tinatakasan at idinadaan ko lang lahat sa biro at kalokohan.

Mga ate, ano ba gagawin ko para di ko masaktan bestfriend ko at boyfriend ko? Sobrang nahihirapan ako tuwing nagkikita kaming tatlo sa isang sitwasyon. Mahal na mahal ko boyfriend ko pero ayokong masaktan at mawala bestfriend ko.

Sana matulungan n’yo ako. Thank you po sa pag-share ng teenage story ng buhay ko. Sana ay mai-play n’yo na sin ang songs na “Pusong Lito” at “Paano na Kaya”. Thank you and more power po sa program nyo.


Love,

SHA-SHA

No comments:

Post a Comment