Saturday, July 6, 2013

Si Jean o si Margaret?

Dear YES Love Talk,


Magandang gabi sa lahat ng mga nakikinig sa programang ito. Sumulat ako dito sa YES Love Talk upang humingi ng payo sa inyo.

Tawagin n’yo na lang ako sa pangalang “ARMANDO”, 28 years old, may isang anak pero hiwalay na sa asawa. Nandito ako ngayon sa isla ng Boracay para magtrabaho para sa aking anak.

May kaibigan ako dito na nakasama ko sa isang inuman. Binigyan niya ako ng textmate. Kilala niya raw ito at may “pinagdaraanan” din daw sa buhay.

Tinext ko ang number na ibinigay niya sa akin at doon ko nakilala si “MARGARET”. Lalo naming nakilala ang isa’t-isa at nahulog ang loob ko sa kanya.

Nang mas nagtagal ay mas lalo ko siyang minahal dahil sobrang bait niya at mahal na mahal niya rin ako.

Pero noong nakaraang buwan ay parang naramdaman kong unti-unti na niya akong napapabayaan at parang iniwanan na niya ako.

May isa akong ka-trabaho na isinama ako dahil magkikita daw sila ng nobya niya. Mayroon din daw itong kasamang kaibigan at ipapakilala daw nila ‘yon sa akin, kaya sumama din naman ako. Doon ko naman nakilala si “JEAN”.

Isang gabi pa lang ang nakakalipas ay naramdaman kong may gusto siya sa akin kaya niligawan ko siya at agad naman niya akong sinagot.

Lumipas ang isang linggo, tinext ako ni Jean na pumunta daw ako sa boarding house niya, kaya pumunta naman ako at doon na ako natulog. Ang hindi ko alam ay tumawag pala si Margaret sa number ko at si Jean ang nakasagot. Nagtalo sila sa cellphone. Kinaumagahan ay nakipag-break sa akin pareho sila Margaret at Jean.

Pero sa totoo lang, mas mahal ko si Margaret. Nagawa ko lang naman ‘yon dahil palagi na siyang walang oras sa akin.

Love Talk, anong gagawin ko para mapatawad na ako ni Margaret? Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Maraming salamat Love Talk at sana ay mabigyan ninyo ako ng payo.


Lubos na gumagalang,


“ARMANDO”

No comments:

Post a Comment