Wednesday, October 17, 2012

October 06, 2012

Dear Yes Love Talk,

Magandang gabi po sa lahat p ng taga-pakinig ng programang ito at sa mga taong bumubuo ng programang ito.

Inyo lamang po akong tawagin sa pangalan Janna. Ako po ay kasalukuyang nagtatrabaho dito po sa Boracay. Ako po ay dalawampu't dalawang taong gulang at sa kasalukuyan ako po ay may kasintahan na tawagin na lamang natin sa pangalang “Liam”.

Si Liam po ay kasalukuyang nagtatrabaho sa malayong lugar at malabo pa po sa sabaw ng pusit ang pagkakataon na kami po ay magkita isang beses sa loob ng isang taon.

Mabait si Liam, responsable at masasabi ko na, siya ang tipo ng lalaki na, every woman should dream of to be with. Mabait rin po ang pamilya niya. Kahit malayo po siya ay talagang naglalaan po siya ng panahon sakin. Tinanggap niya ako ng buong-buo. Kahit ang katotohanan na hinde po siya ang lalaking makakauna sa pagkababae ko. Mahigit isang taon na rin po kami sa ngayon.

Love Talk, bago po si Liam ako po ay nagkaroon ng karelasyon na sya namang higit kong minahal. Tawagin na lamang po natin sya sa pangalang “Dave”. Sobrang minahal ko po si Dave higit pa sa buhay ko. From that moment Dave is my LIFE. Lahat po ay ginawa ko para sa relasyon namin ni Dave but we ended up in nothing.

Nagkahiwalay po kami ni Dave dahil po sa third party. Third party na kailangan niyang gawin para sa pamilya niya. At sobrang sakit po sa akin ang bagay na iyon. Halos ikamatay ko ang mga panahon na lumipas. Until Liam came in my life. He courted me for almost 5 months. And things ran smoothly. He became my bestfriend / boyfriend. He knows about Dave. He gives me the assurance of freedom when Dave came back in my life. Liam is such a kind person. That's why everybody loves him.

Love talk, to be straight and to be honest.. I'm still in love with Dave. And now Dave is trying to bring back our relationship.

Sa puso ko mas lamang po sa puwesto si Dave. Sa praktikalidad na usapan si Liam naman ang nangunguna. Hinde ko po alam sa ngayon kung ano po ang gagawin ko.

Sa tingin niyo po, Sino ang pipiliin ko? Si Liam na mahal ako, tanggap ako, at marinong iisa ang babae or Si Dave po na siyang taong minahal ko ng buong puso; na bumabalik para itama ang pagkakamali niya; na palagi kong namimiss sa tuwina..?

Sana po matulungan nyo ako.

Maraming salamat.


Best Regards,

JANNA



No comments:

Post a Comment