Saturday, October 20, 2012

Nag-mahal ng "immature"

October 21, 2012

Dearest Love Talk,


Maligayang gabi sa lahat.

Isa rin po ako sa nakikinig sa inyong programa.

Nakakatawa at nakakahiya man, sumulat ako sa inyo para humingi ng payo, pero ginawa ko ito para malinawan din ang isip ko sa tulong ng mga payo ninyo.

Love Talk, lalaki po ako, pero nagkakaproblema din sa buhay pag-ibig.

Tawagin nyo na lamang sa pangalang “ARTHUR”, di ko tunay na pangalan, biyudo, ngunit walang anak.

Namatay ang asawa ko 11 years ago, 3 years pa lang kaming kasal nang ma-aksidente siya.

43 years old na ako ngayon, pero matikas pa rin dahil sa opisina lang trabaho ako, walang bisyo at alaga sa exercise.

Hindi sa nagmamalaki pero kung titingnan, mukhang nasa mid 30s pa lang ako, kaya kahit papano ay may mga babaeng nagkakagusto pa rin sa’kin, ako lang ang umiiwas, dahil ayaw ko ng sakit sa ulo.

Sa loob ng maraming taon hindi ko naiisip mag-asawa ulit, dahil matagal ako bago naka-recover hangang sa napadpad ako dito sa Boracay.

May dalawang taon na rin ako dito, Love Talk, gaya ng inaasahan ko ,dito ko pala sa Boracay makikita ang babaeng muling magpapatibok ng aking puso.

Nabuhayan na po ako ng loob ng makilala ko si “GERLIE” hindi nya rin totoong pangalan.

Pero parang hindi yata ito ang tamang panahon para sa amin.

Sa Gerlie kasi ay 22 years old pa lang at mahigit 20 years ang agwat ng edad namin.

Naniniwala naman sana ako na “age doesn’t matter”.

Ramdam ko rin naman na mahal ako ni Gerlie, dahil na kita ko sa kanya na loyal siya at ilang beses kong na patunayan iyon,  na kahit may nanliligaw sa kaniya hindi na nito pinapatulan pa.

Ngunit ang problema ko Love Talk, napansin ko sa ugali niya na parang teenager pa rin siya umasta.

Although naiintindihan ko siya dahil bata pa nga naman siya, pero may mga oras na parang wala na rin sa lugar ang ugali niya at hindi ko rin siya mapigil sa mga nais niya.

Subalit pagdating naman sa pagsasama namin, nakita ko na marunong at maalaga naman siya sa akin.

Sa ngayon kasi nagli-live in kami at almost 9 months na rin, pero ang labas ko ay para alalay o tatay nalang niya.

Kapag nariyan ang barkada niya out of place na rin ako sa kaniya.

Love Talk, panay po kasi ang labas nila ng kanyang mga friends mga limang beses sa isang buwan at kalimitan ay lasing na siya kung umuwi.

Hinayaan ko na lang siya sa mga nais niyang gawin, pero hindi talaga maalis sa isip ko na mag-alala kapag lumalabas sila at kung sino-sino ang kasama nila.

Nakakahiya mang aminin, pero, nagseselos na rin ako minsan sa nga friends niya, lalo pa at madalas ay tinutukso siya ng mga ito sa ex niyang friend na rin nila ngayon.

Bago kasi kami ay naging boyfriend nito ang kaniyang kaibigan, pero may tiwala naman po ako sa kaniya at ramdam ko naman na tapos na nga talaga sila sa kanilang relasyon.

Sa mura niyang edad, niyaya ko na rin po siyang magpakasal at hindi naman siya tumanggi.

Ang problema, kapwa mga magulang namin ay ayaw sa relasyon namin.

Sa part kasi ng parents ko, ayaw nila kay Gerlie ang kaniyang pagiging “easy-go-lucky” at pagiging immature nito.

Ang mga magulang niya naman ayaw sa akin kasi malayo ang agwat ng edad namin.

Ito rin ang rason Love Talk kung bakit hindi namin masabi sa mga parents namin na nagsasama na kami ngayon ni Gerlie.

Tingin ko desidido naman ang fiancée ko na pakasalan ako kahit tutol ang mga magulang namin.

Naniniwala ako na mababago iyon lalo pa at balak na rin namin lumagay sa tahimik at bumuo ng pamilya.

Love Talk, sa tingin po kaya ninyo, sapat na ang siyam na buwan na pagsasama namin para makilala namin ang bawat isa?

Aaminin ko, nagdududa ako sa mga galaw niya ngayon na parang hindi na ako ang priority niya. Noong una ay hindi naman ganito kalala ang sitwasyon namin.

Nagtataka nga din ako kasi noong nanliligaw ako sa kanya ay hindi naman siya ganito, nag-umpisa lang ang lahat nang dumating dito ang mga kaklase niya noong nasa kolehiyo pa siya para magtrabaho, samahan pa ng mga co-employees niya.

Love Talk, ang pagmamahal ko ba sa kaniya ay magiging sapat na para hindi magbago ang isip niya sa pagpapakasal sa akin?

Ayaw ko din naman na masakal o makapag-higpit sa kanya at baka lalong lumala ang sitwasyon namin.

Minsan, may pagkakataon na gusto ko ring maki-join sa kanila pero parang hindi naman ako welcome sa kanila.

Physically, hindi naman ako ang tipo ng tao na para naïve na tao, at masasabi mong out of these world.

Nakikisabay din ako at marunong makisama, Love Talk, kaya ganoon na lang ang pagtataka ko kung bakit ayaw niya akong makasama kapag lumabas sila.

Pero kung ako naman ang lumabas kasama ang mga kaibigan at katrabaho ko ay big deal na iyon sa kaniya.

Lately, minsan ay wala na rin siyang paki-alam sa feelings ko, basta enjoy lang siya sa mga barkada niya hanggang sa text.

Paliwanag niya sa akin, kesyo daw sa sinusulit niya lang ang pagiging single niya dahil sa susunod na taon na ang kasal namin.

Minsan, tinatanong ko siya kung nagbago na ang isip niya, pero sinasagot niya akong desidido pa rin siyang pakasal sa akin.

Love Talk, hahayaan ko nal ang ba siya sa ganitong gawain niya? Minsan, lasing na siya kung umuwi at kapag natanggal na ang pagka-lasing ay parang wala lang nangyari.

Tulungan n’yo naman akong, kung anong klaseng approach ang gagawin ko para maunawaan niya rin ako, concern lang ako sa kaniya.

Tama din po ba na mag-selos ako sa mga friends niya?

Kung ganyan siya ng ganyan, tama po bang ituloy pa namin ang pagpapakasal?

Takot kasi ako na kapag nakasal na kami at nasanay na siya sa buhay na ganito, baka hahanap-hanapin niya iyon.

Maraming salamat sa pagbasa ng aking sulat, at sana ay mapayuhan ninyo ako.


Lubos na nagmamahal,

“ARTHUR”

1 comment:

  1. From Swissmari: I believe age doesnt matter naman talaga kasi ako mismo at asawa ko 20 years rin ang gap ng edad namin, but then kong ganyan ang attitude nya ng babae kailangan mo syang kausapin ng masinsinan kong desidio naba talaga sya at handa na talagang magpakasal sayo, kasi sa mga pinagagawa nya ngayun hindi mo yun pweding baguhin sakaling makasal na kayo gagawin nya pa rin yun, and it is so unfair para sayo na sasabihin nya lng na kailangan nyang enjyoin ang sarili nya habang single pa sya no, unang una bata matanda pag nasa boracay maraming nagagawang di maganda lalo na kong umiinum hindi lahat ng umiinom matino ang pag iisip, Arthur ikaw ang mas masasaktan kasi ikaw lang ang sobrang nagmamahal sa kanya, kong subukan mong iwanan sya kahit isang bwan lang no communications at all let her realize kong anu ka para sa kanya kong gumawa sya ng paraan to have you back then i would say go ahead ituloy ang kasal pero kong sakaling lumayo ka at binalewala lang nya ibig sabihin nun kahit masakit you have to let her go, hindi naman ibig sabihin na pag nag asawa itatali mo na sya diba, she will still have the right to go out naman cguro kahit mag asawa na kayo basta lang nasa tama at nasa lugar, mas masaya pa nga lumabas na magkasama kayo eh sya tingin ko kinakahiya kapa ata nya na makasam lalo na pag anjan mga barkada nya..Ikaw na rin ang nagsabi na kahit sa edad mo na yan matikas at may hitsura ka i believe may dadating na tamang babae para sayo yung babaeng mamahalin ka ng totoo kahit anu pang edad merun ka...

    ReplyDelete